Ito ang pangalawang MEB na pinuntahan ko mula ng suamli akong sa isang group sa Facebook. Isa sa mga bagay na hindi ko ginagawa noon. Nag punta ako ng Cubao upang i-meet ang ilang member at ilang admin na pupunta. Khuyas Bar ang pangalan ng lugar. Ito ang unang beses na napunta akonsa lugar na iyon. Madalas ko dati sa cubao hungit hanggang Farmer, Gateway at araneta coliseum lang ako. Hindi ako napapapadpad sa mga lugar na tulad ng venue namin ngayon. Para sa edad ko masasabi mong ignorante ako. Ignorante sa mga ganitong bagay. Halos mag-aalasonse na ng ako ay makarating. Room 16 doon kami nag-stay. aircon ang room ngunit napakaiinit marahil dahil sa medyo malayo din ang nilakad ko mula Farmers kung saan ako bumaba. Isang sadihilan pa ay ang mga bibig ng mga kasama ko na parang tanbutso ng sasakyan kung manigarilyo. Mga dose yata kami ng gabing iyon. Noon hindi ako sumasama sa mga ganong grupo mga mabibisyo ngunit ngayon tila nagbago ang lahat. Aaminin nageenjoy ako na kasama nila. Noon naa-out of place ako ngunit kaya ko ng makipagsabayan sa kanila kahit papaano. biruan, harutan at tawanan. Kahit videoke bar iyon ay hindi naman ako kumanta. Mahirap na baka biglang magsara ang bar kapag nagalisan ang mga tao, kasalan ko pa. Masaya na akong pakinggan sila na kumanta hanggan sa maputol ang mga ugat sa leeg sa pag-abot ng matataas na nota. Wala talaga akong balak na uminom ng gabing iyon ngunit naiisip ko lang medyo matagal na din ng huli akong uminom. Hindi naman masama na uminom ng kaunti. Dahil sa hindi ako umuiinom ng beer ay nag order na lang ako ng iba. Mabuti na lang at maynoon silang Tanduay Ice. Naka isang bote lang ako sapat na upang mapawi ang pagkauhaw ko sa alak. Umaga na ako nakauwi mga bandang 4:30 am at mga 6:30am na nakarating ng bahay. Nakakapagod ngunit sulit. halos wala namang balak magsi-uwi ang mga kasama ko lalo na si Onald (the one smiling beside me on the photo) na founder ng nasabing group.

By eddonthenet

Edd describes himself as an asocial and acerbic individual. He began blogging in 2007 on Blogspot, long before blogging became a widespread trend. Initially, his blog served as an online diary—a personal journal where he shared his experiences, thoughts, and travels. Over time, his blog evolved into a space where he could express his random musings and reflections. This personal blog doesn’t focus on any specific niche, but instead, it’s a collection of his diverse interests and feelings. Edd created the blog purely as a hobby, with no particular intention of aligning it with any particular theme or audience. It remains a platform for him to write about whatever crosses his mind, with a style that is uniquely his own—raw, honest, and unapologetic. Through the years, the blog has served as a creative outlet, allowing Edd to document his personal journey while sharing bits of his life and thoughts with the world.