Bakit nga ba mahal kita?
Sa tuwing tatanungin ko  ang ang aking sarili, walang payak na salita na sumasagi sa aking isip.
Hindi ko maintindihan kung bakit sa dinamirami ng tao sa buong mundo ay sa iyo nabighani itong aking puso.
Mula ng una tayong nagkausap at sa unang pagtatagpo alam ko na magiging bahagi ka ng buhay ko.
Kung sa anong paraan o kadahilanan hindi ko na inalam.
Minsan mo akong tinanong kung bakit kita gusto.
Ito yung panahon na sa unang beses nagkalakas ako ng loob na umamin sayo.
Sa pagkakataong iyon nagblanko ang isip ko.
Ang nasabi ko na lang “gusto ko ang lahat sayo”.
Sapagkat iyon naman ang totoo.
Gusto ko ang pagiging komedyante mo.
Gusto ko ang pagiging mabait mo.
Gusto ko ang pagiging pabebe mo.
Gusto ko ang mga bagay na minsan ay kinaiinisan ng ibang tao sayo.
Hindi ko sinasabing perpekto ka sa paningin ko,
sadyang ikaw lang ang tinibok nitong puso ko.
Habang tumatagal at nakikilala kita parang lalong hindi ko kaya  na sayo ay mahiwalay pa.
Masaya ako kapag kasama kita.
May kakaibang pwersa  ang hatid mo sa akin sa twina.
Kilig at kakaibang kaligayan aking nadarama na ni minsan ay hindi ko naranasan sa iba.
Tuwing kapiling ka, mundo ko ay nagkakaroon ng kakaibang buhay at sigla.
Lahat ng pagod, sakit at pangamba ay napapawi at naglalahong parang bula.
Sa tabi mo tiwasay ang aking diwa.
Basta nariyan ka tila kaya ko ang lahat.
Gaano man ka sakit at hirap ang dapat pagdaanan  alam kong magagawa.
Mahal kita, ito ay pawang katotohanan at walang duda.
Alam ko naman na mula pa sa umpisa ay wala akong pag-asa
Kaya mas pinili kong makuntento sa pagiging kaibigan na lamang.
Kaibigang handang gawin ang lahat maging masaya ka lang.
Nakahandang paglingkuran ka hanggang sa abot ng aking makakaya.
Mistulang alipin na di mo man batid.
Maiparamdam ko lang sa iyo kung gaano ka kahalaga.
Sa tuwing natutulog ka palihim kong pinagmamasdam ang iyong maamong mukha.
Hindi rin mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Ipinagdarasal ko na muli sana akong makaranas ng himala.
Na sa pagmulat ng iyong mga mata at ako ang una mong makita,
ako na rin sana ang hanapin ng puso mong nangungulila.
Alam kong isa akong malaking TANGA.
Nananaginip ng gising sa isang pangarap na malabong makuha.
Ako ang dahilan kung bakit ako ngayon ay nasasaktan.
Minsan na akong pinaalalahanan na itigil na ang aking kahibangan.
Ngunit tigas ng ulo ang aking pinairal.
Pinili ko sundin ang tibok ng aking puso kaysa sa udyok ng isipan.
Ang lagi kong dahilan,
‘lahat naman tayo masasaktan ngunit ipagdadamot ko pa ba sa aking sarili ang kakarampot na kaligayahan?’
Makasakit man ng labis, ngunit sa iyong piling pa rin  ang aking nais.
Lumuluha man ako pansamantala, sayo pa rin ako lumiligaya.

©NocturnalSaint Created on 20171126 8:00 AM





This is an open letter to the my friend and to the man that I love – KoreanongSunog (Liam Dequito). I can’t express these word to you right now face to face so I decided to write it down for the mean time until I have the courage to say it to you when the time is right. #NocturnalSaint #Blithetouhgts #KoreanongSunog #IamKoreanongSinog


Please Consider liking Ulikba Diaries by NocturnalSaint for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint

[youtube https://www.youtube.com/watch?v=W8gzilOR_qc]

By eddonthenet

Edd describes himself as an asocial and acerbic individual. He began blogging in 2007 on Blogspot, long before blogging became a widespread trend. Initially, his blog served as an online diary—a personal journal where he shared his experiences, thoughts, and travels. Over time, his blog evolved into a space where he could express his random musings and reflections. This personal blog doesn’t focus on any specific niche, but instead, it’s a collection of his diverse interests and feelings. Edd created the blog purely as a hobby, with no particular intention of aligning it with any particular theme or audience. It remains a platform for him to write about whatever crosses his mind, with a style that is uniquely his own—raw, honest, and unapologetic. Through the years, the blog has served as a creative outlet, allowing Edd to document his personal journey while sharing bits of his life and thoughts with the world.