Pakiramdam ay tila nauupos na kandila
Tuwing nakikita kang masaya kasama siya
Pilit na pagpigil sa bugso ng damdamin
Hatid ay kakaibang kirot sa diddib.
Puso ay maligaya kapag ikaw ay masaya
Siyang tunay at walang duda
Subalit hindi maikakaila na sa likod ng mga tawa
Ay ang pagnanasang sana ako ay siya
Ako ay maging siya na nagdudulot ng matatamis na ngiti mula sa iyong mga labi
Ang nagbibigay ng mainit sa yakap sa iyong malalamig na gabi
Ang lagi mong hanap sa bawat sandali
Ang nais na kaututang dila palagi
Madalas ay gusto ko ng lumayo
Ngunit hindi ko kayang mawalay sayo
Nakakapagod ang paulit-uli na masaktan
Ngunit tila hinahanaphanap na ito ng aking katawan
Paano nga ba lumimot sa pagibig na ipinagdamot?
Diyos ko! Bakit ba ganito?
Napakalaki kong gago!
Saan ba patungo ang katangahang ito?
Saan ba hahantong ang ganitong tagpo?
Kailan ba matatanggap na hindi para sa akin ang bagay na ito?
Bakit ba hindi ko makuha ang aking gusto?
Gabi-gabing pinagdarasal ko
Sanay matapos na ang kalokohang ito
Ngunit paggising sa umaga ay uulit na naman ako
Solusiyon nga ba ang ako ay tuluyan ng lumayo?
Saan huhugot ng lakas ng loob upang gawin ito?
Diyos ko! Pakiusap ako ay tulungan mo
20180303 : 1415

Please Consider liking Ulikba Diaries by NocturnalSaint for updates of our travel adventures, tips and recommendations. Please also consider donating for the maintenance of this website.

 
Follow my social meadia accounts using the handle @NocturnalSaint

By eddonthenet

Edd describes himself as an asocial and acerbic individual. He began blogging in 2007 on Blogspot, long before blogging became a widespread trend. Initially, his blog served as an online diary—a personal journal where he shared his experiences, thoughts, and travels. Over time, his blog evolved into a space where he could express his random musings and reflections. This personal blog doesn’t focus on any specific niche, but instead, it’s a collection of his diverse interests and feelings. Edd created the blog purely as a hobby, with no particular intention of aligning it with any particular theme or audience. It remains a platform for him to write about whatever crosses his mind, with a style that is uniquely his own—raw, honest, and unapologetic. Through the years, the blog has served as a creative outlet, allowing Edd to document his personal journey while sharing bits of his life and thoughts with the world.