Paalam Kuya
O kaibigan saan ang iyong tungo?
Bakit aalis at lilisanin na ako?
Kaibigan ko sana ay mag-iingat ka
Kahit saan pa man ang iyong punta
Alalahaning sayo’y may naghihintay
Takip-silim may abutin nitong buhay
Hanggat may lakas ako ay mag-aabang
Abutin man ng bukas at walang hanggan
Isang dalangin ang pabaon ko sayo
Pagpalain ka nawa sa iyong paghayo
Walang hanggang biyaya ang sumaiyo
Masaganang buhay nawa’y makamtan mo
Kay raming nagbago dito sa buhay ko
Magmula ng ikaw ay nakilala ko
Lumigaya’t nagkakulay yaring Mundo
Natutong ngumiti at makihalubilo
Pagpatak ng luha ay pansamantala
Sapagkat tayo’y muling magkikita pa
Mahahagka’t di na maghihiwalay pa
Paalam kuya! talagang mam-imiss kita