This is my farewell as I let go of waiting and hoping for something with you, choosing to move forward and embrace what’s meant for me instead.
Letting go of unrequited feelings is difficult, but necessary for growth. Holding onto emotions that aren’t reciprocated only weighs you down. It’s like carrying baggage that prevents you from moving forward. Accepting reality and releasing those emotions allows space for healing. Suppressing feelings only prolongs the pain and prevents personal happiness. Letting go doesn’t mean forgetting; it means choosing yourself. Acknowledging your emotions, expressing them, and then freeing yourself brings peace. Growth begins when you prioritize your well-being over someone else’s absence. Moving forward opens the door to new possibilities and self-discovery. Your heart deserves love that is mutual and fulfilling.
Paglaya, Pag-ahon
Sa selebrasyon ng araw ng kalayaan, atin itong ipagdiwang kasabay ng pagpapalaya sa pusong pagaw at sugatan.
Panahon na upang sukuan at bitawan pag-ibig na kailanman ay hindi masusuklian.
Oras na upang alisin ang tanikala ng mga bagay na ating inaasahan, gayong hindi na ito maisasakatuparan.
Burahin ang mga bigong pangarap na siya ay muli pang makasama at makapiling sa kinabukasan.
Pahiran na ang mga luhang sa maling tao ay nasayang.
Kahit ikaw ay nasasaktan, pilitin mong umahon mula sa pagkakalunod sa karagatan ng kalungkutan.
Ikampay ang mga kamay, ipadyak ang mga paa ng buong lakas. Lumangoy ka’t mararating din ang pampang ng pag-asa.
Makikita mong hindi pa pala ito ang katapusan. Ang pighati na ngayon at nararamdaman ay panandalian lamang.
Ang sakit at kalungkutan ay mapapawirin sa takdang panahon ng hangganan.
Doon sa dalampasigan muli ay magsimula ka. Lingunin ang layo ng pinanggalingan at makikita mong tunay na malakas ka.
Muling buohin ang sarili sa pansamantalang pagkasira. Sa huli, malalaman mong hindi mo siya kailangan upang muling sumaya.
Ibulong sayong sarili at sabihin mong, “Hindi ka nagkulang at sa kanyang paglisan, hindi siya kawalan.”