Minsan parang bula na gusto mo na lang maglaho
Upang hindi makita ng iba nakatagong 
kirot sa puso
Maging parang ibon na sa himpapawid ay malaya
Walang anumang kalungkutang iniinda
Pilit mang sabihin na ikaw ay masaya
Pilit ding kumakawala ang luha 
sa iyong mga mata
Bakit di mo na lang aminin na nasasaktan ka?
Kung sabagay, para saan pa nga ba?
Paghihirap mo ay walang kabuluhan
Di ka nga niya magawang sulyapan man lamang
Bakit ba pilit kang nagpapakatanga
Sa isang taong may kasama ng iba?
Bakit pilit pinagsisiksikan ang sarili 
Gayong siya ay may iba ng napili?
Kailan iwawagayway ang puting bandila?
Kailan mo sasabihing ‘ayaw ko na’?
Subukan mong palayain ang pusong pagod na
Subukan mong tanggapin pagmamahal 
mula sa iba
Hayaan ang sarili na makadama 
ng tunay na ligaya
Nang sa gayo’y may maibahagi ka sa iba

By eddonthenet

Edd describes himself as an asocial and acerbic individual. He began blogging in 2007 on Blogspot, long before blogging became a widespread trend. Initially, his blog served as an online diary—a personal journal where he shared his experiences, thoughts, and travels. Over time, his blog evolved into a space where he could express his random musings and reflections. This personal blog doesn’t focus on any specific niche, but instead, it’s a collection of his diverse interests and feelings. Edd created the blog purely as a hobby, with no particular intention of aligning it with any particular theme or audience. It remains a platform for him to write about whatever crosses his mind, with a style that is uniquely his own—raw, honest, and unapologetic. Through the years, the blog has served as a creative outlet, allowing Edd to document his personal journey while sharing bits of his life and thoughts with the world.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Verified by MonsterInsights